"Napaka-gandang foundation lalo na sa mga rental companies, talagang recommended siya." ~Eams Mark



Meron kaming rental company at ako yung pinaka nagma-manage sa ngayon. Pag may setup kami, ako yung pumipihit. So minsan may mga bagay na nalilito pa rin ako. Maraming errors minsan lalo na sa PA setup. May feedback, distortion, pero nung nalaman kong may training sa ganito, na tulad ng Audio Solutions, talagang pinursige kong makapag-enroll.

Malaki ang tulong kasi nga ang foundation nandoon, alam ko lahat ng source na pwedeng panggalingan ng error. So yun, ngayong natapos na ko, I know ma-i-a-apply ko yun and then, mas ma-miminimize naming yung error ngayon. Pag minsan more on lecture, hindi natin ma-visualize yung ibang tinuturo, so by means ng hands on, talagang doon mo nai-apply yung tinuturo sayo.

Bawat lecture na tinuturo talagang nae-enjoy ko lalo na yung new knowledge na pumapasok talagang na-eenjoy ko. Masaya! Sa actual lalo na yung te-testingin mo yung bawat parameter na tinuro, exciting sya! Talagang ito yung magandang foundation sa mga (especially) rental companies, talagang recommended siya. ~Eams Mark
"Napaka-gandang foundation lalo na sa mga rental companies, talagang recommended siya." ~Eams Mark "Napaka-gandang foundation lalo na sa mga rental companies, talagang recommended siya." ~Eams Mark Reviewed by Admin on 6:11 PM Rating: 5

No comments